Pasensya, Kulang ang alam ko tungkol sa ibang tao pero mapanghusga ako, at isang tamad na nilalang. Ayokong pumasok, nakakatamad. Nag-iisip ako kung makakatapos ako ng pag-aaral, magulo ang utak ko eh, anong magagawa ko. Memo Plus Gold ata ang kaylangan ko para malaman ko ang ibig sabihin kung ano ang ibig sabihin ng Biology, Buhay. Buhay nga naman napaka-gulo, pero hindi komplikado, dahil tayo ang nag-papagulo ng buhay natin eh, yung mga simpleng bagay na ginagawa natin komplikado, meron ngang iba dederetso lang liliko pa eh.
Pasensya, tanga ako, walang modo, hindi maalam makiramdam at basta, pasensya nalang. Ayoko ng mag-english, ayoko narin mag-bilang, masakit sa ulo, nakakatamad. Ako yung taong pinag-kaitan ng tiwala sa sarili at magpahanga, pero nakakapagtaka kasi mayabang ako, di ko yun maipapagakila. Mahiyain ako, pero bastos ako. Nakakaloko pero seryoso, ewan ko ba. Pasensya nalang.
No comments:
Post a Comment