Saturday, August 20, 2011
Upside-Down
REALIDAD
Nagugulat nalang ako sa mga tao sa mga panahon ngayon, yung mga mag-asawang parehas na pogi, macho at yung aakalain mo bang ma-chix, nakakagulat lang. Realidad, marami nakaka-asar na mga katotohanan sa mundo, mga sira ulong mandurugas, mga rapist, mga babaeng manloloko, pati narin sigurong mga lalakeng manloloko, masakit isipin pero ewan, mas maraming masasakit na katotohonan kesa sa mga iniisip nating mga pantasya, sa mga masasagwang realidad, eh dun nasaya ang komunidad ng tao, isipin niyo nalang siguro na lahat ng tao eh mabait, di na natin siguro kelangan ng mga pulis, kung lahat ng mga pulis mababait, eh siguro walang magiging sikat na pulis, kaya yun, at kung lahat siguro tayo ay friends, nagbibigayan, magkakakilala at tumutupad ng mga pangako, kelangan pa kaya natin ang Gobyerno?
PASENSYA
Pasensya, Kulang ang alam ko tungkol sa ibang tao pero mapanghusga ako, at isang tamad na nilalang. Ayokong pumasok, nakakatamad. Nag-iisip ako kung makakatapos ako ng pag-aaral, magulo ang utak ko eh, anong magagawa ko. Memo Plus Gold ata ang kaylangan ko para malaman ko ang ibig sabihin kung ano ang ibig sabihin ng Biology, Buhay. Buhay nga naman napaka-gulo, pero hindi komplikado, dahil tayo ang nag-papagulo ng buhay natin eh, yung mga simpleng bagay na ginagawa natin komplikado, meron ngang iba dederetso lang liliko pa eh.
Pasensya, tanga ako, walang modo, hindi maalam makiramdam at basta, pasensya nalang. Ayoko ng mag-english, ayoko narin mag-bilang, masakit sa ulo, nakakatamad. Ako yung taong pinag-kaitan ng tiwala sa sarili at magpahanga, pero nakakapagtaka kasi mayabang ako, di ko yun maipapagakila. Mahiyain ako, pero bastos ako. Nakakaloko pero seryoso, ewan ko ba. Pasensya nalang.
KRUSADA
May mga taong napunta sa simbahan hindi dahil mapagpatawad ang diyos, napunta yung iba dahil, wala lang. para may masabi lang. So yun. I would like to say some of my/our fellow catholics are hypocrites and selfish. Yung mga tipong nasimba lang dahil may pagdarasal na kung anong gusto nila, hindi yung tipong mag darasal sila dahil aaminin nila na makasalanan sila, hindi yung magpapakumbaba sila sa dyos. Ito, yung iba namang mga katoliko na magdarasal para magkameron ng mataas na score sa exam pero di naman sila nag-review tapos kung mababa ang grades nila sisihin pa nila ang Dyos, ano yon? Katangahan yon para sakin
Katolika, Simbaan, Madre, Pari, Moral, Dyos, at kung anu-ano pa. Nakakasura narin ang pagiging closed-minded ng iba pang mga tao sa simbahan, yung tipong haharangin nila yung mga maayos na batas dahil lang sa paniniwala nila ukol sa moralidad at ang pagiging “experto” nila sa bibliya.